I

Ang mga timba ay punong puno dahil sa walang sawang pag tulo ng tubig mula sa kisame kong basa
bumabaha sa sahig na semntado dahil sa binta sa bubong na umuugong mula sa sigaw ng langgit
murang dahon na nag liliparan sa paligid,
hangin ulan simula umaga hanggang kinagabihan
gamo gamong ipo ipo sa kandila kong sulo
na paulit ulit na sinisindihan ng posporo
ang aninong makikikita sa loob ng bahay kong antigo ay pabagobago
Ang batang ligaw na kaluluwa sa aking hagdan ay akyat baba
at sa pag pikit ng aking mga mata
ako ay mag papalutang lutang sa kawalan
ang lugar ng panaginip, ang lugar na walang batas, ang lugar kung saan walang imposible
masaya akong nakangiti habang madaming umiiyak
busog akong kumakain habang madaming nagugutom
dahan dahan akong lumiligtas habang madaming namamatay
marahil may swerte din at may minamalas
pinag mamasdan kong mabuti ang aking tinatapakan
kung saan nakasalalay ang tagumpay sa aking magiging landas
nakakabagot mag hintay sa barkong nakadaong
na pilit pinupuno ng pasahero ng kapitan ng barko
at sa kalagitnaan ng pag lalayag
nariyan ang unos
sa pusod ng dagat ang barko ay lulubog
ang reyalidad ang lahat ay kailangang lumangoy
dahil ang buhay ng tao ay para laging nasa dagat
kailangan mong kumabyaw at lumaban sa alon ng mabangis na tubig alat
kailangan mong lumangoy para makarating sa pampang
kung saan ang bawat isa sa atin ay makakapag pahinga sa kapayapaan
kaya lumaban at wag hihinto dahil sa bawat saglit saatin ay mayhihgit
papalubog, papalayo
sa kawalan muli akong mumulat
sa umaga ang timba ng tubig ay my kitikiti na ulit
na lalangoy langoy
lumalaban at nag hihintay
ng pag kakataon para makalipad at maging lamok
na balaang araw sa akin ay tuturok at hihigop ng dugo
na paikot ikot sa aking katawan at puso
katulad ng buhay katulad ng mundo katulad ng lahat ng planeta at bituwin
lahat tayo.

“Pa ikot ikot”